<< March 2017 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
 01 02 03 04
05 06 07 08 09 10 11
12 13 14 15 16 17 18
19 20 21 22 23 24 25
26 27 28 29 30 31


If you want to be updated on this weblog Enter your email here:



rss feed



 
Dec 13, 2016
First Time
Just enjoyed Alabama Shakes. Totally clueless about this band, but they were super amazing! And how she jams with her guitar? Made us feel a little "high". Hehe.
Posted at 01:07 am by ajc4783
Make a comment  

 
Aug 9, 2012
Siyam-Siyam

Onse-onse na!

Already missing my little Plebo. It has been 3 shift days and I still can't go home. Not that our house at Dasma suffers the same fate of Kawit, Rosario and Bacoor, it's just that the area for vans and light vehicles is still impassable. Correct, the area called "Talaba" (right before the City of Bacoor) is still soaked at knee-high level.

For two days, me and a few friends from the company loitered Landmark to buy extra clothes/bare essentials and Rob Summit's Fitness First for the sauna bath in this cold, gloomy and worry-some weather.

It's almost 5:30AM and I'm very much ready to honda home. Honda meaning "Honda-dot". Hopefully Talaba and St. Dominic College area has cleared already.

Posted at 05:18 am by ajc4783
Make a comment  

 
Nov 23, 2011
My Boys
PhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucketPhotobucket
Posted at 04:55 pm by ajc4783
Make a comment  

 
Jun 8, 2011
S5A

Friendship 4
Courtship 6
In a Relationship 6
Engagement 12

and then...

Photobucket

 

Posted at 09:48 am by ajc4783
Make a comment  

 
Jan 11, 2010
Ano bang meron ka na wala sila... Hmmm...

Kapatid sa Pananampalataya
Date of Baptism: June 22, 2005
Mula sa Lokal ng Alabang, Cavite at Guadalupe
Walang na-miss na PBK
Hindi pabaya sa mga Pagkakatipon
Nagpaparamdam ang Dios sa kanya sa pamamagitan ng panaginip.

 

Active sa mga Church Activities

1.      Naging member ng Cavite District Choir

2.      KAPI Member

3.      Naging President ng KKTK - Lokal ng Guadalupe (200+ ang mga kabataan doon)

4.      Sinali sa Mini Debate ng KKTK Metro-West District

5.      Nagbubunga. 7 ang napa-anib sa awa't tulong ng Dios.

6.      Alalayan daw namin si papa para sumigla uli ang paglilingkod

 

Matulungin sa mga kapatid sa pananampalataya

1.      Tinuruan kung pano maghanap-buhay ang mga kabataang walang magawa sa buhay.

2.      Ginawang empleyado ang limang kapatid sa kanyang sariling business

3.      Ipinasok ng trabaho sa kumpanya nila ang ilang kapatid mula sa Lokal ng Cavite

4.      Umupa ng isang apartment para may matuluyan ang pitong kapatid na walang matuluyan (until now ito)

 

Matalino

1.      Accelerated. Hindi dumaan ng Grade 2. Grade 3 sya agad.

2.      Section 1 mula Elementary hanggang Highschool.

3.      Valedictorian ata nung highschool. Ayaw umamin.

4.      Scholar ng Governor

 

Sikat sa school nung student days

1.      Damath Champion - Inter-school Level

2.      Chess Champion - Division Level (1/4 ng Mindanao)

3.      Nag-e-Emcee sa mga school programs.

4.      Kumakanta pag Linggo ng Wika at Foundation Day.

5.      Maraming fans pero torpe raw.

 

Magaling sa Bible

1.      Verbatim sa verse kung mag texto.

2.      Nai-re-relate ang diwa ng talata sa mga eksena sa buhay (Filipos-panalangin, Roma-magkakalakip ang lahat ng mga bagay, Mateo-pahintulot sa maya)

3.      Nilaban nga ng Mini Debate

4.      Nauunawaan ang diwa at aral ng Biblia, nagagamit sa pagpapaalala sa mga kapatid.

 

Shalan (sosyalin)

1.      Shoes nya Scketchers

2.      Jacket nya Lee

3.      Watch nya Adidas

4.      Notebook at ballpen nya touch-screen na Dell Pocket PC.

5.      Mahilig ‘to sa branded!

 

Business Minded

1.      Pasimuno ng KKTK Daing Business (300-400 Kilos ang bagsakan)

2.      Pasimuno ng KKTK Calamares Business (3 business on wheels)

3.      Magpapasimuno sa awa't tulong ng Dios sa Caromona Estate ng... surprise! :P

 

Responsable

1.      May inaalalayang ilang kapatid sa pinangungupahang apartment.

2.      Nagpadaloy ng kuryente sa liblib na lugar nila sa probinsya para sa bahay ng family nya.

3.      Hindi naman nagkulang sa pagpapadala ng suportang financial sa Osamiz.

4.      Ang pangako nyang hindi ako pababayaan ay sa Dios nya unang ipinangako.

 

Masipag

1.      Nag-o-OT. Pag wala ang tauhan nya, nag-oovertime para mag-assist.

2.      Hindi ako pinapagawa ng gawaing bahay.

3.      Nagluluto. In fairness, masarap sya mag luto!!

4.      Naglalaba bago matulog. Hand wash. Mabango at malinis ang nilabhan.

5.      Hindi ata napapagod. Afterwork, magluluto.

6.      After dinner, maghuhugas ng plates at maglalaba.

7.      After maglaba, maliligo.

8.      After maligo, i-hu-whole body massage ako with eficascent oil.

9.      Higit sa lahat, nakaka-pito! ( Wahaha! :P )

 

Singer

1.      Noong nasa sabadista pa sya, hindi kumpleto ang samba nila pag hindi sya umawit sa stage

2.      Pinapakanta nga sa mga school programs

3.      Lumalaban sa mga amateur singing contest sa province

4.      Myembro ng Cavite District Choir (Bass 2)

5.      Nakaka antig ng puso nung umawit sya on our first night together (Abang Lingkod Mo (tama ba yung title) )

 

Music Lover.

1.      Mahilig umawit ng mga Tanging Awit at mga ASOP entries.

2.      Yun nga, Bass 2 sya sa Cavite District Choir.

3.      Ok lang sa kanya pag pinapasali sya sa amateur Singing Contest

4.      Ok rin lang sa kanya pag pinapakanta sya sa mga school programs

5.      Nag-gi-gitara sya sa Lokal pag Doktrina.

6.      Marunong din sya mag-flute. Gumagawa pa ng flute from kawayan.

7.      Gusto nya yung mga awit ni Brod Eli. Meron syang mga mp3 sa Pocket PC.

8.      Speaking of MP3, 2 gig ata ang MP3 nito sa Pocket PC, andami!

9.      Yung genre ng mga songs na gusto nya, mga pang JS Prom.

10. Gusto nya ng Bread, Kenny Rogers, Air Supply ako naman gusto ko Beyonce, Usher,

11. Pussycat Dolls, Gloc 9. Sasakit lang daw ang ulo nya, Pussycat? Pangalan pa lang daw masakit na sa ulo.

12. Gusto nya yung mga nakaka relax na music.

 

Sporty

1.      Boxing

2.      Jogging

3.      Aikido (Pero ang tawag nya "judo" hahaha)

4.      Volley Ball

5.      Chess Champ (yaiks!)

6.      Marunong din mag-bike! (ahahah, tsaka four wheels, trak! wahaha)

 

Marunong ng mga gawaing Bahay

1.      Kusinero (Lahat ng niluto masarap!)

2.      Labandero

3.      Taga Hugas ng Plato

4.      Tagalinis ng bahay

5.      Electrician

6.      Interior Design

7.      Magtupi ng Nilabhan

8.      Mamalengke

9.      Mag budget

10. Masahista

 

Mapagmahal sa Pamilya ko

1.      Kaibigan nya si Japi. Tawag sa kanya Brad Ducipel.

2.      Sinasamahan si papa sa Pagsamba at Pasalamat-Viewing.

3.      Binilhan kami ng 16 Liters Colonial Red na Davies Paint para sa bubong.

4.      Tuwing pupunta sa house every sunday, andaming pasalubong, may pinamalengke pa, kulang na lang bumili ng bigas.

5.      Ikinakamusta ang family ko at sinasabi saking "Mahal ko sila. Ingatan nawa sila ng Dios palagi."

6.      Ampapayat daw ng mga aso namin, bibilhan daw nya ng dog food.

 

Physically Fit and Appealing

1.      Gwapo. (Walang kokontra! :P)

2.      Defined ang kilay, hindi sabog.

3.      Ang eyes nya, bilog na egyptian na singkit sa dulo.

4.      Mas matangos ang ilong ko sa kanya! Ahaha! :P

5.      Cute na cute ako sa dimples nya (yung sa left)

6.      Luscious lips. (hindi ko pa nakitang dry kahit kelan)

7.      Kissable lips (ganda ng figure tas ang lambot lambot pa)

8.      Gusto ko rin yung smile nya na parang may balak na masama. Nakaka-akit. :P

9.      Maganda rin ang hugis ng arms nya. Payat lang sa sleeves ng t-shirt sa malayo. Pero pag pinagyayabang na nya sakin ang biceps. Waw! Napapalunok na lang ako. Tas kunya ri hindi ako na-a-amaze. :P

10. Yung fore arm nya, dahil nga boksingero daw sya dati, hehe, eh parang semento lang naman sa tigas.

11. Shempre ang abs... hahay... Ang abs... Wala naman syang packs eh!
Pero flat. Tapos matigas. Nung tinouch ko dati, parang pader! Tapos makinis, ansarap ihipan!

12. Height. Malaki lang sya sakin ng 3-4 inches. Tama lang dahil hindi masakit sa leeg pag nag kikiss o kaya magka-hug kami ng nakatayo. :P

13. Waist Line. Very lean. Sarap sanang maglakad ng naka-akbay sya sakin tapos nakahawak naman ako sa bewang nya, kaso, baaa... wal.

14. Mabango (na sya ngayon) Wahaha! Hindi ko kasi type yung napaka sosyal nyang "Avon Deodorant" Ang chaka! Good thing, lagi na nyang suot yung binili ko sa kanyang Dial Sport na stick, hmmm! bangu-bango!

Mahal na mahal ko sya, hindi ko lang masyado hina-highlight sa kanya ang mga bagay na yan, kasi ma-o-obvious na I'm totally crazy about him. Baka kasi maging over-confident at magbago sakin. Wag nawang mangyari. :P So secret! Hindi ko sasabihin. :P :P :P Belat! Bleh! :P :P :P :P

 

Socially Active

1.      Bossing sa opis. Pero humble. :)

2.      May mga business partners.

3.      May mga mentors.

4.      May mga pinag-mementoran din.

5.      Sikat sya sa lokal. Pag may debate, dami daw tumitili.

6.      Pinagluluto ang mga kabataan. Sarap daw ng luto nya sabi nila.

7.      Mahusay daw makisama, mabait, sabi ni Brod Joseph (yung akay nyang nagbunga.)

 

Masarap kasama

1.      Joke time kami palagi eh.

2.      Pinapatawa nya ako.

3.      Pag upset ako, pinapahinahon nya ako.

4.      Lagi nya ko sinasabihan ng "I love you!"

5.      Gusto ko sya ka-kwentuhan. Madami akong napupulot na ikatitibay.

6.      Pag dadaan sya sa harap ko may toll fee na kiss.

7.      Hindi pa nya nakita yung mga anak ni Stevie Wonder.

8.      Tsaka alam nya yung ibig sabihin ng I.T.A.L.Y. pero yung C.E.B.U. hindi.

9.      May amoy daw na "mapaklang sitaw".

10. Nire-reverse psychology ako na "pagod ka na... inubos ko na ang lakas mo..." Pero gustung-gusto ko pa nga at hindi ako pagod. Sya nama talaga yung pagod at lobat na. Mwahahaha! >:P

11. Nung minsan nilabhan nya yung palda kong black, nakita nyang gulagulanit yung half-slip, naawa sya sakin, hindi ko ma-describe kung gano kalaking konsumisyon yung nasa mukha nya.

12. Ganun din nung nakita nya yung tira-tirang quaker oats sa muka ko nung nag oatmeal-mask ako for my pimples.

13. Ganun din nung nakita nya kung pano ako magkamot ng pantal ng lamok hanggang masugat.

14. Basta, he's very caring. I really love him and he's the sweetest companion I ever had. Sweeter than my friends, sweeter than my ex-boyfriends.

 

 

I love him whole-heartedly and he's my new bestfriend. I hope and pray to the Lord, to give us more days together. Celebrating His wonderful gift of love to unworthy servants like us. That amidst all our shortcomings and sins out of ignorance, God's everlasting love prevailed and united our hearts from the most unexpected instance but within the most expected place. I thank the Lord, that He reserved my heart and Jupiter's heart with tender loving care and guidance. Reserved until that fateful night when our hearts finally met.

 

Thanks be to God!

 

Photobucket

 

Photobucket

:p

Posted at 03:39 pm by ajc4783
Make a comment  

 
Dec 12, 2009
Mga signs na he likes you

 
  #21 
Old 12th November 2009, 06:39 AM
april jean's Avatar

april jean april jean is online now
Jupiter Power Make-up!
 
 Join Date: 20-01-2004
  6 month star 12 month star
 Posts: 3,191
  Send a message via Yahoo to april jean
 Reputation: april jean (10)


1. Pagdadating ka sa lokal nasa may pinto na sya naghihintay.

2. Pipilitin ka nyang kumain muna bago matulog during lunchbreak.

3. Linilibre ka ng food lagi.

4. Pag niyaya mo syang mag break, hindi sasama. Pero pag labas mo ng canteen, nandun sya sa may pinto naka tingin sa yo. (Nakakatakot!!!)

5. Mag-aalok na ibibili ka ng kape pag inaantok ka na sa teksto.

6. Nagpapaka-humble pag pinansin mong Dell pocket PC gamit nya sa teksto samantalang ikaw eh best buy grade 3 notebook lang pangit pa ng sulat mo.

7. Tabi kayo sa bus. Ililibre ka lagi ng pamasahe.

8. Namumula ang face pag tinitigan mo sa mukha.

9. Magtatakip na ng mukha pag hindi na kinaya ng hiya.

10. Pag nakauwi na sya, sasabihin sayong ang saya mo kasama at asahan mong araw araw kang may good morning, good afternoon, good evening at salamat sa Dios na text messages from him.

11. Pag dika nag reply, loloadan ang cellphone mo ng 30 pesos.

12. Andaming gagawing para-paraan magkita lang kayo uli.

13. Pipila ng madaling araw sa Araneta habang bumabagyo, ma-i-save ka lang ng seat sa upper box. At hindi nya sasabihin sayo kung gano yon ka hassel. Malalaman mo na lang sa mga testimonya ng mga kapatid na hindi nakapasok sa Araneta.

14. Ipagluluto ka ng spaghetti kahit wala namang okasyon, mahikayat ka lang na doon sa Cubao umattend uli.

15. Sasabihin sayong masarap mamasyal sa MOA dahil may dagat etc makahanap lang ng paraan makasama ka other than sundays.

16. Magtatanong kung small, medium large, dahil bibilhan ka raw ng damit.

17. Pag kinumpronta mo kung nakikipag-kaibigan lang ba sya, hihingi sayo ng sorry. Na nakikipag kaibigan lang naman talaga sya sayo sa ngayon pero kung hindi na nya mapigil ang sarili nyang mahulog ang loob sayo eh "he'll make sure to pass all requirements" (Anong requirements?!?!)

18. Magtatapat na ng loob sayo, unang beses ka pa lang raw nya nakita eh, na-inlove na sya. Tatanungin mo naman,
  • kelan po ba yung first time nyo ko nakita, nung nalaglag po kayo sakin sa stage?
  • hindi po. matagal ko na po kayong nakikitang dumadalo sa cubao.
19. Magdedeclare na mahal ka nya. May malinis syang hangarin at seryoso sya sayo.

20. Magpapa-alam na sa lahat ng kinauukulan (Worker nila, DS nila, MIC nila, Worker namin, kay brod boy, kktk president ng lokal namin, tatay ko, bestfriend ko, lahat) na formally na daw syang manliligaw. (Pano mo kaya sila mahahanap??)

21. Hindi sya nagbago after i-reveal ang sarili. Text pa rin everyday. Mas careful at gentle sa mga text messages.

22. Ngayong umaga lang, nag-text, sabi nya, pinayagan na daw sya ng Worker nila nung dumalo sya kagabi. Susunod na daw ang Worker namin, para mangyari daw yon, kung loloobin eh sa Wednesday prayer meeting, sa lokal namin sya dadalo, dito sa Laguna. (WAAAAAHH!!! Ehem! Goodluck na lang kung makita mo ang lokal namin.)



Posted at 12:52 pm by ajc4783
Make a comment